Martes, Abril 4, 2017

Tips on How to pass the Medtech Board exam

To a medtech graduate reading this, papasa ka ng boards! Magtiwala ka lang! 🙏
Haloo!!! Lezz get into a business kasi precious ang bawat oras mo bes!
Just so you know, last batch ako nagenroll sa review center, so roughly one and a half months lang kasi sa mismong month ng boards feeling sabaw ka na. So hindi na siya counted (for me) hahaha! Bbigyan kita ng tips (based on my experience)
TIP no. 1 - MAGPAHINGA KA!!
Ang ironic ng first tip ko! Hahaha. Well, this is a tip na before ka sumabak sa aral ay magpahinga ka, magfacebook ka buong araw, matulog ka 3 days straight, mag bora, magshembot, mag jacoke, or manuod ka ng kdrama! Basta spoil yourself!! Gawin mo lahat ng gusto mo kasi sa mga susunod na araw or buwan kailangan hanggat kaya mo focused ka na.
TIP no. 2 - MAKE A WISE DECISION
Alamin mo capabalities mo, if kaya mo ba magself review or need mo ng assistance ng isang review center. Kung feel mo na sobrang kaya mo naman, basta may resources ka ng ayos at malinis na notes, motivated ka at determinado ay Good to go ka na! At the end of the day naman hindi ang review center ang makakatulong sayo kundi si G and ikaw mismo sa sarili mo.
I’ve decided to enroll na lang sa review center and it’s another decision. Choose a good review center! The next few months kasi you will spend more of your time sa mga to.
I recommend LEMAR! Sobra sobra kasi silang magagaling. Bawat isang prof, sobrang effort sa pagtuturo everyday. Hanggang sa last subject mo sobrang minotivate ka. Puso kung puso!! Kudos mam leah and mam marilyn and lahat ng teachers!
TIP no. 3 - INVEST
Sa totoo lang, magastos ang maging reviewee pero you have to invest!
Invest in a good home - maghanap ka ng dorm na maayos, na maganda, na unang kita mo pa lang mapapasabi ka na “eto na”. I chose a dorm (DAYSTAR ECONOROOM) sa may P. Campa kasi malapit sa lemar, medyo pricey kasi solo ako pero sobrang safe kasi may gaurd 24/7 tapos sobra bait ni ate Tere, may wifi. Haha.
I recommend na magsolo ka kasi just then, you can really be more focused. Wala ka kasing makakachikahan and procrastination buddy. Pero if mas gusto mo naman may kasama at alam mo na okay rin kasama mo, okay din naman!
Invest in your needs prior to studying - to be honest naka ilang highlighter ako kasi mauubos talaga sila, ilang push pins para puro motivation quotes ang nasa cork board, ilang makukulay na ballpen and notebooks. Basta alam mo magagamit mo for review it will be worth it!
Food, coffee stress reliever - actually, sarili mo ang puhunan dito. Dapat nakakakain ka ng ayos and magkakaron ka ng peace of mind na wala ka iisipin kundi boards.
TIP no. 4 - REVIEW
Syempre eto ang pinaka essential na step. Mag review at pumasok sa review center tapos makinig. Hahaha. Ang daling sabihin pero ang hirap gawin. Actually ganito ginawa ko, pero hanggat maari wag ako gayanin:
Wala akong nakumpletong klase sa review kasi im so tamad. Ako kasi yung taong ayoko nainit ang pwet ko sa upuan for almost 11 hours, ang pagaaral at presence of mind ksi nasasayo yon. You can sit in your seat for hours pero wala naman napasok sa brain pero meron naman students na pasok agad. Hindi kasi ako ganun and I envy those.
Pumapasok ako pag feel ko, umuuwi na pag di ko na feel. Kasi pakiramdam ko mas gusto ko umuwi sa bahay and magstudy on my own (minsan succesful, madalas hindi) hahaha. The trick kasi, study if you are pressured lang. (again, wag ako gagayanin) hahaha. Like I told you, last na batch ako nagreview center so given na dapat pressured nko pero idk. So ayun, madalas hindi na ako napasok ng hapon. Kindergarten ganon! Hahaha. Pag gusto ko manuod ng movie, manunuod ako, facebook? Facebook. Himym? Himym. Pero I make sure na pag alam ko uwian na yung mga kaklase ko, magddinner nko then study like pumasok ako (feeling ganon) hahaha. Yung focus na study na alam ko maccover ko yung topics. Make sure na matatapos mo aralin yung ituturo the whole day. The key is smart studying. In my opinion, Kung ano lang yung itinuro that day yun lang aralin mo. Para di mahalo halo, follow the schedule the review center gave you. They gave that to you for a reason. Maccover nila lahat ng kailangan mo! If you comply sa sched nila, good to go ka. Kaya yun ang sundin mo. Repetition is the key to retention! Pag mabilis ka magbasa, ulit ulitin mo lang. Sakin, Notes lang!!!! Wala akong hinawakan kahit anong libro hahahaha!! Maliban kay apollon, hubbard tsaka rodriguez.
Basta pkasarap ka if you need to, kasi ang ending magguilty ka pag nakita mo na gabi na tapos wala ka pa naaral tapos nag half day ka pa sa klase. Feel mo huling huli ka na kasi yung kaklase mo sa review center feel mo aral na aral. so ang tendency, magccram ka!! and napaka effective nun sakin pero make sure by 12 am matulog ka na kasi may pasok pa kinabukasan. wag gawing hobby ang overnight studying, nagkapimples ka na tapos marerealize mo wala naman masyado naretain. promise!
TIP no. 5 - no to myths
Pandagdag lang to, wala ako sinunod kahit ano pamahiin. Hindi ako nagsuot ng kahit anong red. Hahaha walang red sa suot ko the day of the boards. Tinago ko mga pencils ko, hanggang ngayon nasakin pa, hindi ko binali. Nakalabas nko ng classroom after ng last exam pero bumalik ako at pumasok sa room at lumingon ako kasi hindi ko alam gagawin sa NOA ko hahaha. Puro erasures pa yung exam ko tapos nalawayan ko pa answer sheet ko (kasi inerase ko, tapos hinipan ko, tumalsik laway ko) hahahaha. This only mean na i broke the odds, wag ka maniwala sa pamahiin. Kasi ang makakatulong sayo is sarili mo and si G
TIP no. 6 - God is the answer
Sa totoo lang, alam ko na si God ang nagsagot ng exam ko. Kasi like I explained above sobra sobrang tamad ko na, pariwara. Haha. Pero ang hindi ako nagkulang, faith ko kay Lord. From preboards to boards alam ko kasama ko siya. I prayed prayed prayed every night, nag novena ako sa dorm every night. Naging loyal ako kay St. jude and kay Lord. May line kasi don na “I will always honor you as my special and powerful patron” kaya ayun. Although the day before boards nagalay ako ng itlog kay St. Claire, blue for exams. and you know? may tarpaulin don stating “don’t worry about tomorrow, tomorrow will take care of itself” and alam mo ba? Last mass of saint jude the day before boards inulit nila line na yon? Iyak ako ng iyak kasi kabado ako. boards na yung tomorrow na nasa quote na yun kaya despite my tears feeling blessed talaga. So tandaan niyo lang. don’t worry basta alam mo na if para sayo. Para sayo, paghandaan mo.
Additional: What to study?
Naniniwala ako na iba iba ang exam, although may recalls, it depends sa batch ng exam if ano yung madali or not.
1st day:
CC - october 2016, eto daw ang pinaka mahirap. Pero for us sa feb 2017, eto ang pinaka madali. Hahaha. Yung tipong dredretso lang pagsasagot mo, mapapaisip ka pa if magtotop ka, hahaha. Halos lahat samin, eto ang pinaka mataas na score. Hindi ko to inattendan nung review center kasi tamad nga ako. Pero sobrang naging focus ako sa book, kasi feel ko visual learner ako kaya instead of attending nagbasa na lang ako sa dorm. hanggang sa abot ng makakaya ko sinaulo ko siya bes. Haha. Hindi ko sinaulo normal values kasi mahina ako sa math. Luckily, parang may lumabas pero natandaan ko naman.
Btw, when it comes to formula:
The day before boards ako nagaral ng formula. (Wag ako ggayanin. Lol!) alam ko kasi na sobrang short term ko sa formula and math, kaya the day before the exam ko yun inaral, yung pang frst day nung 25th ng gabi ko inaral, yung pang second day nung 26th ng gabi ko inaral. Ganern. Pero better yet, sauluhin mo na lahat before hand 😂
Micro para - apollon and albas ang reference namin, and lumabas naman sila pero in a different way, basta sobra ako nahirapan sa micro para, nakakaliyo. Analyze analyze analyze. Bailey’s and scott helpful din dito. May mga tanong pa na pakikiramdaman mo kasi pwedeng 2 ang sagot or pwedeng wala sa choices yung sagot mo. Ganun talaga. Dun ka kakapit sa patalim. Sundin ang puso. Hindi ko inaral biochem test at mga agar agar mga result ng lia, tsi ganern kasi im so sabaw pero isa or dalawa ata or wala ang lumabas. Thank youuu Lord! Hahaha sakto lang grade ko dito
Clinical Microscopy- sobrang favorite ko to kasi college pa lang, ang galing na ng prof ko dito. Sa LPU pko nagaaral nun. Honestly hindi ako nagnonotes nung sa review center neto kasi may notes ako from college na super yun ang gusto ko above anything.
Tip sa review: Ang notes na gamitin mo is yung notes na pinakacomfortable ka at napusuan mo na.
Nung boards, okay lang din tong subject na to. Okay lang din ang grade ko. Sakto lang. basta aralin mo kasi like micro para may mga tanong na pupusuan mo lang.
- tapos na ang 1st day, ang gawin mo magrelax ka! Wag kang magbubuklat ng libro or notes kasi baka masaktan ka or baka magoverthink ka. Kumain lang ako ng masarap nun tapos inaral ko na formulas then sleep na. Tsaka wag kayo magtatanungan ng friends mo, magreview ka or basa basa para sa mga susunod na subject. Mas mahirap kasi ang 2nd day, tandaan mo yan.
2nd day
Hematology - tricky questions pero pag magaling prof mo and review ka, okay lang! Helpful ang hubbard dito tsaka notes lang talaga!! Wag kang magooverthink, basahin mga coaching notes, hanggat maari wag magpapalit ng sagot. Go with your insincts (wag ako gagayanin. Naglaway pa Lol!) yung grade ko dito okay lang hahaha
Isbb - sa lahat, eto ang maduduwal ka sa hirap. Ewan ko kung bakit hirap na hirap kaming lahat dito. Basta i kennat talaga tong exam na to. Epic! Hahaha. Feel ko nga dito sa subj na to or micro para ang nagfilter ng papasa at hindi kasi yung ibang exam okay lang talaga. Kaya kung kaya. Btw, eto pinakamababa kong grade. 79 lang ako dito. Eto panira ng score ko kasi nagiisang line of 7 ko to.
Histopath- histopath is love! Sobrang sarap magsagot ng histopath. Haha. Favorite ko din to kasi sa OLFU bitter ako sa subj na to pero nadalian ako aralin kasi nga galit na galit ako nung college. Hahaha. Gumagana ang pag hindi alam ang sagot kapit sa all of the above kasi puro morse type. Hahaha yung grade ko dito parang cc medyo laban na. Haha
———
Pag natapos na ang boards, magdasal ka! Magpasalamat ka kasi naconquer mo ang challenge na to! Pasalamat sa lahat ng sumuporta sayo. Kay saint jude, saint claire and kay Lord, all things are possible. I don’t recommend na magbuklat ka. Kasi you have to put your gaurds down. Wala ka na magagawa but trust in Him. Pasalamat ka, pray ka. Maghintay. Distract yourself from overthinking and surround yourself with positive people.
Agonizing ang pagiintay, sabi ko hindi ko titingnan ang result, hahayaan ko may magmessage sakin ng congrats! At pag wala edi alam na. GG na haha. Pero, nung pag refresh ko ng newsfeed may result na! And agad agad ko hinanap pangalan ko then boom! RMT NA AKO ❤️😭
Sa lahat ng exam, ako una natatapos. Lahat sila nagsasagot pa pero ako nakapag shade na. E ayoko nga nainit pwet ko sa upuan kaya nagsusubmit nko. Pero I recommend na basahin ng ayos and iconquer ang 2 hours. Lagi mo iisipin na eto na ang huling exam mo, ibigay mo ang todo. Kasi 3 days after ng exam na to. May tatlong letra na sa dulo ng pangalan mo. Kaya mo yan, walang madaling exam. Pag madali ang exam, hindi yun boards. Pag masasabi mong madali or okay lang alam mo na may inipon ka. Na naghanda ka. Maging thankful ka. Iclaim mo na! Kasi after ng boards, pag RMT na, sabi nga ni mam leah pwede na magasawa. 😂
Take it from me, hindi ako ang pinakamabait na tao sa mundo, ang dami ko kasalanan you know, akala ko mahina ako kay Lord pero sunod sunod ang favor niya. May work na din ako. Pero sa ngayon, sige. tapusin mo na lahat ng kdrama pero after magenroll na ha? I love you! ❤️
Love,
Rmt 💫

Tips on How to pass the Medtech Board exam

To a medtech graduate reading this, papasa ka ng boards! Magtiwala ka lang! 🙏 Haloo!!! Lezz get into a business kasi precious ang bawat ...